Lima hangang sampung taon mula ngayon, libu libong hakbang at ibat ibang klase ng tao. Mula dito hangang doon ang magbibigkis ng nais gawin sa paglipas ng panahong ito. Ang kalipunan ay magiging dunong paparoon patungo sa nais na pedestal. Tatahakin at magiging mapusok at nakakaburyong na mga pagkakataon.
Marahil mataas,mahirap at malayo ngunit ito ang mga nais. Nakatutok sa pag hawak ng bawat lente ng kamara. Nag iisip sa kung paano ipalalabas ang bawat sulat sa mga sinehan, sumusulat dahil nais ipalabas ang bawat ideyolihikal sa masa. Ang industiya kung saan malimit na pinapaikot ng pera. Ito ang katotohanan sa PELIKULA .
-DIREKTOR-
Mga ilaw, linya at at manonood isang gabing puno ng interpretasyon at palakpakan. Ang lugar kung saan nag tutungo ang mga kakaibang klase ng tao. Malayo sa mga sikat na palaging nakikita ng lente ng kamara. Ito ang isang hanap buhay ng walang hanap kung hindi buhay lamang. Walang yumayaman ngunit mayroong sumisikat para yumaman. Malimit pinapairal ang puso kaysa sa pagiging isang radikal. ito ang nais ko.
-ENTABLADO-
Nais ng tunay at mas higit sa nararansan ko ngayon. Makisalamuha sa mga taong may galak. humakbang ng may halakhak mula sa puso. Lipun ng maraming lipas ng ng araw ay nais ko lamang maging masaya.
-MASAYA-

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento